Wednesday, March 30, 2011

TORPENG MARTIR

TORPENG MARTIR
by:dwamwtHOandONLY

Buwan, araw at gabi,
Naiisip kita sa isang tabi.
Nakatulala sa mga tala,
Itong torpe na'to ikaw ang naalala.

Binigyan daan ang iba,
Pinigil pag-ibig sayo sinta.
Puso'y naging manhid,
Luha sa mata aking pinahid.

Wala na magagawa pa,
Kaya't bakit luluha pa.
Sinigaw ko dapat,
Pag-ibig ko sayo malakas at matapat.

Itong pag-ibig ko,
Kailangan nang malaman mo.
Kasi aking kinimkim ng matagal,
Pagkakataon na hinintay na kay tagal.


No comments:

Post a Comment