Wednesday, March 30, 2011

MAPANGHUSGANG PASAHERO

MAPANGHUSGANG PASAHERO
by:dwamwtHOandONLY

Inabot na ng gabi,
Biyahe sa paguwi.
Jeep ay aalis na,
Ngunit may bakanti pang isa.

May mamang sumakay,
Sa tabi ng dalagang maingay.
Sayang ang ganda,
Maingay at mapanghusga.

Sa mamang walang malay,
Ako'y naaawa at di mapalagay.
Paghusga sa kaanyuan,
Yan na ba ang sukatan.

Kay gandang dalaga,
Bakit ganyan ang iyong paghusga.
Sana'y iyong malaman at mapagtanto,
Kalagayan ng taong hinuhusgahan mo.

No comments:

Post a Comment