Wednesday, March 30, 2011

MU NGA LANG BA?

MU NGA LANG BA?
by:dwamwtHOandONLY


Nabighani sayong ganda,
At nagtapat sayo ng pagsinta.
Sa ilalim sikat ng araw,
Iniibig ko ay ikaw.

Ngunit ako'y nasa isang relasyon,
At may pagtingin pa rin sayo ngayon.
Subalit pagpapatuloy ko ba?
o Kailangan wakasan na.

Pag-ibig natin sa isa't isa,
Isang malaking kasalanan ba?
Dahilan ako'y may minamahal,
At pangalawa ka aking mahal.

Tinimbang ko ating pagmamahalan,
Marami pa lang masasaktan.
Kasalukuyan ko ng bibitawan,
At panahon para harapin ang katotohanan.

No comments:

Post a Comment