Wednesday, March 30, 2011

PANAGINIP SA JEEEP

PANAGINIP SA JEEEP
by:dwamwtHOandONLY


Katabi na naman kita,
Sa tuwing tayo'y magkikita.
Magkasabay sa paguwi,
Nakita ko na naman matamis mo ngiti.

Liwanag ng kislap ng yung mata,
Umiibig na yata ako sayo binibining kay ganda.
Pagsulyap sayo binibini,
Wag mo sana mahuli.

Nakalipas ilang linggo,
Di nakita kasabay dito.
Nagkataon nga lang ba?
O pananaginip ko'y tapos na.

Ika'y nakitang muli ngunit may kasabay,
Masayang nakangiti magkahawak ang kamay.
Puso'y nadurog ng lubosan at nalungkot,
Panaginip ko'y tapos na at mistulang naging bangongot.

No comments:

Post a Comment