Wednesday, March 30, 2011

KAKAIBANG PANGARAP NA LANDAS

KAKAIBANG PANGARAP NA LANDAS
by:dwamwtHOandONLY


Bago umalis itong aking tropa,
At magiba ng landas na tatahakin niya.
Nais kung handogan ng tula,
Na alam ko kanyang ikatutuwa.

Kahit saglit ko lang nakasama,
At di pa lubosang kilala.
Iniibig niyang natatanging dalaga,
At mahal na mahal niyang talaga.

Ngunit naghihintay at umaasa,
Kahit kaibigan ang turingan sa isa't isa.
Pero malaking pagpapahalaga at suporta,
Binibigay sa kanyang natatanging dalaga.

Kaya sa tatahaking landas mo na malayo at iba,
Wag ka malungkot at dun mag-ingat ka.
Tayo'y magkikitang muli,
At mag-iinuman na parang eto na ang huli.

No comments:

Post a Comment