Wednesday, March 30, 2011

A LRT NICE POEM / TORPENG LANDAS

SPANISH version
A LRT NICE POEM
by: PABLO NERUDA


Del dia, de la luna,
riete de las calles
torcidas de la isla,
riete de este torpe
muchacho que te quiere,
pero cuando yo abro
los ojos y los cierro
cuando mis pasos van,
cuando vuelven mis pasos,
niegame el pan, el aire,
la luz, la primavera
pero tu risa nunca
porque me moriria. 


TAGALOG version
TORPENG LANDAS
by: GRETCHEN ONG HO

Pagtawanan mo ang gabi,
ang araw, ang buwan,
pagtawanan mo ang mga liku-likong
landas sa isla,
pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
nguni't kapag bubuksan ko
at isasara ang aking mga mata,
kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik
ipagkait mo na sa akin ang tinapay,
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
huwag lamang ang iyong ngiti
dahil ito'y aking ikasasawi.

PLANTS Z

PLANTS Z
by:dwamwtHOandONLY


Mabait na titser,
Laging over power.
Sa pagtuturo ng filipino,
Major na namin mga inhenyero.

Monster disaster,
meron pala kaming sleeping seater.
Kodigo ang mga reviewer,
sa test namin forever after.

Siya'y unang binansagan sa kaanyuan,
Lola ni sponge bob sa sponge bob squarepants.
Nadagdagan pa ng pangalan,
Babidi sa Dragon ball Z.

Pero maraming masasayang karanasan,
At sa kanya aming natutunan.
Kaya't di malilimutan,
Mga Oras namin pinagsamahan.




DALAGITANG KULOT

DALAGITANG KULOT
by:dwamwtHOandONLY


Dalagitang maliit,
Maharot at makulit.
Pusang hatsing,
Talent ay singing.

Bigay todo sa singing,
Kamukha ni gohing.
Ngunit idol si gumabao,
Sa volleyball hataw.

Siya ay nakakaterrified,
Sa boses niya super high.
Hayley ng paramore,
Sa kantahan kanyang idol.

Pero etong energetic na dalagitang kulot,
Tunay namin tropa at di salot.
Kaya lahat sa kanya natutuwa,
Kahit sa volleyball tili ng tili at walang sawa.

HATINGGABING PASLIT

HATINGGABING PASLIT
by:dwamwtHOandONLY


Fb mode sa cp,
Habang ol ako sa pc.
Comment na nakakagulat,
Bawat kanyang sinusulat.

Mahilig maglike,
Damay kapatid sa like.
Subalit ngiti ng kanyang kapatid,
Palagi kong nababatid.

Sa dalagang ito'y maraming umiibig,
At nais siyang mapaibig.
Tulad ng aking mga kakilala,
Na magbubuwis ng buhay para sa kanya.

Itong hatinggabing paslit,
Makulit at mabait.
Aming tunay na tropa,
Mula sa cheaper by the dozen na pamilya.

10 BAGAY NA AYAW KO SAYO

10 BAGAY NA AYAW KO SAYO
by:10thingsihateaboutyou


ayoko ang paraan ng pagsasalita mo at paraan ng paghawi mo ng iyong buhok.
ayoko ang paraan mo ng pagpapatakbo ng kotse ko.
ayoko din ang paraan ng pagtitig mo.
ayoko ang iyong sapatos at sa paraan ng pagbabasa mo sa iniisip ko.
ayoko talaga ikaw at kahit para akong magkakasakit at mapapaiyak.
ayoko ang paraan na ikaw ang laging tama.
ayoko ang paraan ng iyong pagsisinungaling.
ayoko ang paraan mo ng pagpapatawa sa aking at mas sa pagpapaiyak.
ayoko kapag wala ka sa aking tabi at kapag ndi ka tumatawag at nagtetext.
pero ang pinaka ayoko sayo kapag malayo ka, hindi ka katabi at ang mawala ka sakin.

E-MO-DE-EH

E-MO-DE-EH
by:dwamwtHOandONLY

Wag ka naman magMO-DE,
Nadadaman ay pighati ng aking katabi.
Itong taong to' sa aking gilid,
Sayo ay tunay na umiibig.

Simple mong ngiti sa pisngi,
Hatid rin sa kanya ay ngiti.
Ligaya kanyang nadarama,
Sa tuwing nakikita ka.

Kaya't sayo'y palihim na sumusulyap,
Upang ngiting inaasam sayo'y mahanap.
Kahit makitang iba ang kasama at masaya,
Maging dulot nito'y lungkot sa kanyang mga mata.

Sayo'y di siya titigil na susuporta,
Bilang kaibigan mo sa hirap at ginhawa.
Lumipas man panahon at tumanda kayo,
Mamahalin ka parin at hindi ka iiwan pag kailangan mo.





KAKAIBANG PANGARAP NA LANDAS

KAKAIBANG PANGARAP NA LANDAS
by:dwamwtHOandONLY


Bago umalis itong aking tropa,
At magiba ng landas na tatahakin niya.
Nais kung handogan ng tula,
Na alam ko kanyang ikatutuwa.

Kahit saglit ko lang nakasama,
At di pa lubosang kilala.
Iniibig niyang natatanging dalaga,
At mahal na mahal niyang talaga.

Ngunit naghihintay at umaasa,
Kahit kaibigan ang turingan sa isa't isa.
Pero malaking pagpapahalaga at suporta,
Binibigay sa kanyang natatanging dalaga.

Kaya sa tatahaking landas mo na malayo at iba,
Wag ka malungkot at dun mag-ingat ka.
Tayo'y magkikitang muli,
At mag-iinuman na parang eto na ang huli.

MAGITING NA MAYORA

MAGITING NA MAYORA
by: dwamwtHOandONLY


Ako'y may kakilala,
Masungit na dalaga.
Buhok ay mahaba,
Nakaponytail pa nga.

Kaklase ko siya,
Sa BATAAN PENINSULA.
Love team sila,
Ng aking kakilala.

Biruin mo siya,
'TSE' sagot niya.
Medyo EMO siya,
Liligawan ni E sana. HAHA.

Mag-ingat ka sa kanya,
Siya'y aming magiting na mayora.
Malaking bahagi siya,
Ng aming buhay eskwela.

MAPANGHUSGANG PASAHERO

MAPANGHUSGANG PASAHERO
by:dwamwtHOandONLY

Inabot na ng gabi,
Biyahe sa paguwi.
Jeep ay aalis na,
Ngunit may bakanti pang isa.

May mamang sumakay,
Sa tabi ng dalagang maingay.
Sayang ang ganda,
Maingay at mapanghusga.

Sa mamang walang malay,
Ako'y naaawa at di mapalagay.
Paghusga sa kaanyuan,
Yan na ba ang sukatan.

Kay gandang dalaga,
Bakit ganyan ang iyong paghusga.
Sana'y iyong malaman at mapagtanto,
Kalagayan ng taong hinuhusgahan mo.

MU NGA LANG BA?

MU NGA LANG BA?
by:dwamwtHOandONLY


Nabighani sayong ganda,
At nagtapat sayo ng pagsinta.
Sa ilalim sikat ng araw,
Iniibig ko ay ikaw.

Ngunit ako'y nasa isang relasyon,
At may pagtingin pa rin sayo ngayon.
Subalit pagpapatuloy ko ba?
o Kailangan wakasan na.

Pag-ibig natin sa isa't isa,
Isang malaking kasalanan ba?
Dahilan ako'y may minamahal,
At pangalawa ka aking mahal.

Tinimbang ko ating pagmamahalan,
Marami pa lang masasaktan.
Kasalukuyan ko ng bibitawan,
At panahon para harapin ang katotohanan.

SAKIT NI SEVERINA

SAKIT NI SEVERINA
by:dwamwtHOandONLY


Walang akong magawa,
Pagtripan ang mga tula.
Si mayora na masungit,
Kasalukuyang may sakit.

Masakit nga ba talaga
Sinapit mo sa pagibig severina.
Para kalimutan mo na,
Tumibok muli ang puso para sa iba.

Tulad ng chocolate,
Tiwalang natunaw at nawala sa korte.
Kaya't pag-eemo walang patid,
Lagnat sayo tuloy ang hatid.

Kaya't ika'y magpagaling,
Sa emo mong sakit hindi mapraning.
Maraming nagmamahal sayo,
Isa na jan si ECO at mga kapatid mo.

PANAGINIP SA JEEEP

PANAGINIP SA JEEEP
by:dwamwtHOandONLY


Katabi na naman kita,
Sa tuwing tayo'y magkikita.
Magkasabay sa paguwi,
Nakita ko na naman matamis mo ngiti.

Liwanag ng kislap ng yung mata,
Umiibig na yata ako sayo binibining kay ganda.
Pagsulyap sayo binibini,
Wag mo sana mahuli.

Nakalipas ilang linggo,
Di nakita kasabay dito.
Nagkataon nga lang ba?
O pananaginip ko'y tapos na.

Ika'y nakitang muli ngunit may kasabay,
Masayang nakangiti magkahawak ang kamay.
Puso'y nadurog ng lubosan at nalungkot,
Panaginip ko'y tapos na at mistulang naging bangongot.

SERYOSONG PAGSINTA

SERYOSONG PAGSINTA
by:dwamwtHOandONLY


Ika'y aking pipikunin,
Upang mapalapit ka sakin.
Gasgas na istilo ko,
Umobra sana sayo.

Mahuli iyong kiliti,
Tiwalang walang kahati.
Mapapaibig ba kita?
Sa paraan ng panliligaw ko sayo sinta.

Sadyang katangahan,
Ligawan ka sa ganitong paraan.
Baka ika'y lumayo.
At iwan akong nakatayo.

Dapat ng maglakas loob,
Sabihin sayo nilalaman ng aking niloloob.
Wala ng banat at paligoy ligoy pa,
Ipagtatapat na sayo seryosong pagsinta.

TORPENG MARTIR

TORPENG MARTIR
by:dwamwtHOandONLY

Buwan, araw at gabi,
Naiisip kita sa isang tabi.
Nakatulala sa mga tala,
Itong torpe na'to ikaw ang naalala.

Binigyan daan ang iba,
Pinigil pag-ibig sayo sinta.
Puso'y naging manhid,
Luha sa mata aking pinahid.

Wala na magagawa pa,
Kaya't bakit luluha pa.
Sinigaw ko dapat,
Pag-ibig ko sayo malakas at matapat.

Itong pag-ibig ko,
Kailangan nang malaman mo.
Kasi aking kinimkim ng matagal,
Pagkakataon na hinintay na kay tagal.


TROPA o KAIBIGAN?

TROPA o KAIBIGAN?
by: dwamwtHOandONLY

Tayo'y di magkakilala,
Magkaibang landas na tinahak ng tayo'y magkita.
Iyong pag-ibig di pinansin,
ng magtagpo tayo't ako'y mahalin.

Araw, linggo at buwan lumipas,
Pagtingin ko sayo'y natimbang at lumakas.
Umiibig na ba ako,
o ituturing ka pa rin kaibigan sa paningin ko.

Dahil di na umaasa,
Sayo'y may pagasa.
pag-ibig sayo sinta,
aking papatayin na.

Kaya't biniro ng tadhana,
At di ka itinuring na tropa.
Dahilan tropa ako'y di tumatalo,
Kaya tingin sayo kaibigan na iibigin ko.

TORPE AKO

TORPE AKO
by:dwamwtHOandONLY


Una nating pagkikita at pagpapakilala,
Sakin sarili di ko napansin iyong tunay na ganda.
Biruan sa araw-araw,
Na may gusto sa'yo daw.

Ngunit natatakot sa'yo na lumapit,
Kahit approachable ka naman at mabait.
Ngiti sa'yong labi at kislap ng iyong mga mata,
Lalo akong nahuhulog at nabibighani sa'yo sinta.

Araw, linggo at buwan lumipas at nagdaan,
Nais ng magtapat sa'yo kahit sa anung paraan.
Ngunit sa tuwing ika'y nasa harapan at pagkakataon ko'y sumapit,
Dinadaga aking dibdib at nalulunok mga salitang nais masambit.

Sabihin na nilang torpe ako,
Di ko pagkakaila at tanggap ko.
Pero itong torpe na ito pagnagmahal sa'yo,
Ibibigay hangga't kaya ko basta't ikasasaya at ikaliligaya mo.

SON TO BEH

SON TO BEH
by:dwamwtHOandONLY


Bukod tangi kong tropa,
Dito sa Bataan Peninsula.
Pangalan ay OURSON ALLEIO TANTENGCO,
Crush si CARMINA SANTOS FERNANDO.

Ang cute ng kanilang tawagan,
BEH na masarap pakinggan.
Sa text na uso,
Tulay ng dalawang tao.

Diba jan naman nagsisimula ang pag-iibigan,
Sa isang malaking biruan.
Kaya pagpatuloy niyo yan,
Baka madevelop kayo niyan.

Matapos na nga ang tulang ito,
Bukas sigurado bulyaw abot ko.
Kaya aking tatapusin at wawakasan,
Baka madugtungan ko pa ng anung katarantadohan.

Saturday, March 26, 2011

IYONG NGITI

IYONG NGITI
by:dwamwtHOandONLY

Para kang drugs,
Sayo ako'y adik.
Ngiti sayong mga pisngi,
Ninanais kong makita muli.

Ngiti mong kay ganda,
Tanggal badtrip ko sa umaga.
Oh! Binibining kay ganda,
Ngiti mo'y mapasakin sana.

Buong pagmamahal at puso mo aking mahal,
Mapasakin sana at inaasam kong kay tagal.
Ngunit paano magiging tayo,
Kung natatakot na lumapit sayo.

Manhid na  nga ba ako?
O natatakot na masaktan sa sagot mo.
Darating din ang panahon at pagkakataon ko,
At isisigaw na mahal kita at walang preno-preno.