SALAMAT SA PANAGINIP
by:dwamwthoandonly
Isang araw kasama na kita,
Magkahawak ating mga kamay at masaya.
Walang hanggang pagibig aking nakikita,
Sa pagitan nating dalawa sinta.
Pagmamahal na inaasam ng kay tagal,
Habang takbo ng oras ay kay bagal.
Mga panahon na lumilipas,
Parang isang larawan na hindi kukupas.
Nakatakda na kasambuhay,
Pinagtagpo para sa habambuhay.
Ligaya na nakapinta,
Sa mukha natin sinta.
Ngunit ako'y nagising at nabigla,
sapagkat nananaginip lang pala,
Nagpasalamat ako sa diyos nagising pa ako,
upang tuparin ang panaginip ko.
Thursday, May 26, 2011
SALAMAT SA PANAGINIP
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment