Thursday, May 26, 2011

LITRATO NG BUHAY

LITRATO NG BUHAY
by:dwamwthoandonly


Hapon nun may hinahanap akong aklat ng computer.
Bigla kung nakita yung album na naman na luma sa cabinet.
Para akong namagnet na tignan ulit.
Naalala ko na naman yung mga araw sa Bataan.
Ano kaya naging buhay namin kung di kami lumipat ng probinsya?
Ugali at pananaw ko kaya ay magiiba?
Sino kaya mga kaibigan ko?
May mga kaibigan kaya ako tulad nyo?
Mga tropa na tunay at tapat?
Naalala ko rin yung mga araw na masaya kami tuwing linggo.
Eh may gala tuwing linggo sa Jolibee.
At hindi ako uuwi na walang laruan.
collection ko yun eh.
Sa bawat litrato na nakikita ko.
May naaalala ako.
Yung litrato nung binyag ko.
Kumpleto mga pinsan at mga tito at tita ko.
Litrato nung paggawa ng bahay namin.
Tulong-tulong sila tatay at mga tito.
Huling litrato ko kasama tita at pinsan ko.
Lilipad na sila ng Japan.
Parang gusto ko bumalik dun.
Mga oras na masaya ako.
Mga oras na nasa Bataan ako.
Pero wala eh di ako lumaki sa Bataan.
At hindi ko naman pinagsisisihan.
Kahit Laki akong probinsya.
Dami ko rin naman natutunan.
Daming pinagdaanan.
Kahit malayo sa maunlad na syudad.
Dami din naman naging kaibigan.
Punong puno pa ng kalokohan.
Bawat tropa ay masaya.
Sa nalalagpasan ng bawat isa.
Sa paglipat ko ng bawat pahina.
di ko na malayan ako'y malaki na.
Natawa akong bigla.
Habang may litrato akong napuna nakaipit sa pahina.
Yung litrato ko kasama siya.
Buhay pa pala kahit medyo kupas na.
Napaisip ako ng malalim.
Sa huling limang pahina ng album na itim.
Mukhang kumupas na mga huling pahina.
At para akong nangamba.
Parang buhay ng tao.
Sa huling mga chapter ng buhay mo.
Babagal at Manghihina ka.  
Habang tumatanda ka.
Pero bata pa naman ako.
At sana malayo pa marating ko.
Yung bang aabot pa ako ng 90.
para may bonus na 40.
50 lang kadalasan inaabot buhay ng tao.
kaya may bonus ka pagnalagpasan mo.
Kaya sa layo ng nasasabi ko.
Litrato lang namin tinignan ko.
Masaya mabuhay sa mundo.
Kaya dapat sulitin mo.
Di mo na mamalayan.
Mawawala ka na ng tuluyan.
Ipakita mo sa magulang mo.
Tunay na pagmamahal mo.
Mahal mo sila di lang tuwing kaarawan nila.
Ipakita mo sa araw - araw na kasama mo sila.
Kasi pag sila nawala.
pagsisisi lang iyong magagawa.
Huing pahina na.
Pero di ng buhay ko kundi ng album na ito.
Marami pa akong gustong gawin.
Mga pangarap ko na kahit kay hirap abotin.
Mga bukas na katabi ko sana ay ikaw.
Mga buwan na ikaw sana ang kasama.
At taon na sana ikaw ang makapiling.
Yan lang naman aking hiling.
Kaya ituturing ko na rin huling pahina.
Mga oras na kasama ka.
Kaya itong mga litraro.
kukupas din at maglalaho.
pero pag-ibig ko sayo.
Yan lang bukod tangi di magbabago.

No comments:

Post a Comment