Thursday, May 26, 2011

IKAW LANG WALANG IBA

IKAW LANG WALANG IBA
by:dwamwthoandonly


Mahal parin kita,
Kahit di tayo para sa isa't isa.
Di yan magbabago,
Lumipas man panahon ko.

Mawala man ako sa mundo,
Babantayan kita na anghel sa tabi mo.
Ako'y magiging masaya at kontento,
kung ituring na kaibigan mo.

Pero ako'y seryoso,
At hindi nagbibiro sayo.
Mahal na mahal kita,
Yan ang totoo.

Matatamis na salita gamit ko,
Hindi ko sinasabi sayo para mambola at manloko.
Ikaw lang talaga at wala ng iba,
Nais kong mahalin at ganun ka din sana.

No comments:

Post a Comment