Thursday, May 26, 2011

NAKAKADISMAYANG INIP

NAKAKADISMAYANG INIP
by:dwamwthoandonly

Habang ako'y nakahiga,
Iniimgaine iyong mukha.
Aking sintang mahal,
Maghihintay sayo kahit gaano katagal.

Para akong nakatanikala,
Sa kahapon kong mga alaala.
Nakakulong sa panahon,
puno ng pagsisisi ngayon.

Pinapalipas mga araw,
Solusyon ba ito para makita ko ikaw.
Mamamatay na ako sa inip dito,
sa paglipas ng bawat minuto.

Kaya takbo ng oras,
Hahayaan ko bang mabilis na lumipas?
Baka maging malaking resulta,
Di ko inaasahan at aking ikadismaya.

No comments:

Post a Comment