Thursday, May 26, 2011

LITRATO NG BUHAY

LITRATO NG BUHAY
by:dwamwthoandonly


Hapon nun may hinahanap akong aklat ng computer.
Bigla kung nakita yung album na naman na luma sa cabinet.
Para akong namagnet na tignan ulit.
Naalala ko na naman yung mga araw sa Bataan.
Ano kaya naging buhay namin kung di kami lumipat ng probinsya?
Ugali at pananaw ko kaya ay magiiba?
Sino kaya mga kaibigan ko?
May mga kaibigan kaya ako tulad nyo?
Mga tropa na tunay at tapat?
Naalala ko rin yung mga araw na masaya kami tuwing linggo.
Eh may gala tuwing linggo sa Jolibee.
At hindi ako uuwi na walang laruan.
collection ko yun eh.
Sa bawat litrato na nakikita ko.
May naaalala ako.
Yung litrato nung binyag ko.
Kumpleto mga pinsan at mga tito at tita ko.
Litrato nung paggawa ng bahay namin.
Tulong-tulong sila tatay at mga tito.
Huling litrato ko kasama tita at pinsan ko.
Lilipad na sila ng Japan.
Parang gusto ko bumalik dun.
Mga oras na masaya ako.
Mga oras na nasa Bataan ako.
Pero wala eh di ako lumaki sa Bataan.
At hindi ko naman pinagsisisihan.
Kahit Laki akong probinsya.
Dami ko rin naman natutunan.
Daming pinagdaanan.
Kahit malayo sa maunlad na syudad.
Dami din naman naging kaibigan.
Punong puno pa ng kalokohan.
Bawat tropa ay masaya.
Sa nalalagpasan ng bawat isa.
Sa paglipat ko ng bawat pahina.
di ko na malayan ako'y malaki na.
Natawa akong bigla.
Habang may litrato akong napuna nakaipit sa pahina.
Yung litrato ko kasama siya.
Buhay pa pala kahit medyo kupas na.
Napaisip ako ng malalim.
Sa huling limang pahina ng album na itim.
Mukhang kumupas na mga huling pahina.
At para akong nangamba.
Parang buhay ng tao.
Sa huling mga chapter ng buhay mo.
Babagal at Manghihina ka.  
Habang tumatanda ka.
Pero bata pa naman ako.
At sana malayo pa marating ko.
Yung bang aabot pa ako ng 90.
para may bonus na 40.
50 lang kadalasan inaabot buhay ng tao.
kaya may bonus ka pagnalagpasan mo.
Kaya sa layo ng nasasabi ko.
Litrato lang namin tinignan ko.
Masaya mabuhay sa mundo.
Kaya dapat sulitin mo.
Di mo na mamalayan.
Mawawala ka na ng tuluyan.
Ipakita mo sa magulang mo.
Tunay na pagmamahal mo.
Mahal mo sila di lang tuwing kaarawan nila.
Ipakita mo sa araw - araw na kasama mo sila.
Kasi pag sila nawala.
pagsisisi lang iyong magagawa.
Huing pahina na.
Pero di ng buhay ko kundi ng album na ito.
Marami pa akong gustong gawin.
Mga pangarap ko na kahit kay hirap abotin.
Mga bukas na katabi ko sana ay ikaw.
Mga buwan na ikaw sana ang kasama.
At taon na sana ikaw ang makapiling.
Yan lang naman aking hiling.
Kaya ituturing ko na rin huling pahina.
Mga oras na kasama ka.
Kaya itong mga litraro.
kukupas din at maglalaho.
pero pag-ibig ko sayo.
Yan lang bukod tangi di magbabago.

ISANG LIBONG SALITA KUNG ITO NGA AY PAALAM

 ISANG LIBONG SALITA KUNG ITO NGA AY PAALAM
by:dwamwthoandonly
 
Huling biyahe sakay ng jeep ng balanga.
Mga araw araw na kasabay.
Mga tao di ko man kilala.
Pero nakakasama sa biyahe papunta eskwela.
Labas Dinalupihan, daan Hermosa, lampas Orani, akyat Samal, liko Abucay, at baba Balanga.
Huling paso sa Bataan Peninsula.
Huling Pagkikita.
Mga kaibigan na nakasama.
Araw araw na pasok at kulitan.
Di ko makakalimutan.
Punong puno ng ligaya.
Mga oras na kayo'y kasama.
Kahit parang akin ng nadadama.
Paghihiwalay ng bawat isa.
Pero sa bilis ng takbo.
Oras dito sa mundo.
Hindi rin naman mamamalayan.
Na nawala ka ng tuluyan.
At alam naman nating panandalian.
Buhay natin dito sa sanlibutan.
Kaya kailangan lasapin bawat panahon ng di masayang.
Wag mo palampasin mga pagkakataon.
Makasama tunay na mga kaibigan.
Sa huli pagsisisi na hindi na maibabalik kailan man.
Kaya kung ito'y isang paalam na.
Nais kung masabi.
Sarap, Galak, Tuwa at Ligaya.
Naging parte kayo sa malaking chapter ng buhay ko.
Di ko kayo makakalimutan. Mga tunay na kaibigan.
Sana maging inhenyerotayong lahat kahit di sabay sabay ng panahon ng pagtatapos.
Pero magkaibigan tayong lahat paglipas ng panahon.
Dahil ang tunay na kaibigan ay hindi nagpapaalam kundi tayo'y magkikitang muli at magsasama na gaya ng dati.

SABAY SA JEEP

SABAY SA JEEP
by:dwamwthoandonly


Sa tagal ko ng pamamalagi sa Bataan,
Meron akong isang gabing di malilimutan.
Biyahe pauwing bahay,
Inaasam na ikaw ang aking makasabay.

Sa jeep na malapit ng mapuno tuluyan,
Nakasabay kita ng di inaasahan.
Katapat ko'y ikaw,
Sa liwanag ng ilaw.

Minamasdan ang napakagandang hugis ng iyong mukha,
Na parang di ko na masisilayan muli at di na magkikita pa.
Ngunit kaklase naman kita,
Kaya bakit nangangamba.

Pero ngayon naaalala ko ito,
Sa katotohanan napakalayo ko na sayo.
Gaya ng dati na maghihintay sa jeep,
At parang sa puso ko na rereserve ka ng seat.

IKAW LANG WALANG IBA

IKAW LANG WALANG IBA
by:dwamwthoandonly


Mahal parin kita,
Kahit di tayo para sa isa't isa.
Di yan magbabago,
Lumipas man panahon ko.

Mawala man ako sa mundo,
Babantayan kita na anghel sa tabi mo.
Ako'y magiging masaya at kontento,
kung ituring na kaibigan mo.

Pero ako'y seryoso,
At hindi nagbibiro sayo.
Mahal na mahal kita,
Yan ang totoo.

Matatamis na salita gamit ko,
Hindi ko sinasabi sayo para mambola at manloko.
Ikaw lang talaga at wala ng iba,
Nais kong mahalin at ganun ka din sana.

NAKAKADISMAYANG INIP

NAKAKADISMAYANG INIP
by:dwamwthoandonly

Habang ako'y nakahiga,
Iniimgaine iyong mukha.
Aking sintang mahal,
Maghihintay sayo kahit gaano katagal.

Para akong nakatanikala,
Sa kahapon kong mga alaala.
Nakakulong sa panahon,
puno ng pagsisisi ngayon.

Pinapalipas mga araw,
Solusyon ba ito para makita ko ikaw.
Mamamatay na ako sa inip dito,
sa paglipas ng bawat minuto.

Kaya takbo ng oras,
Hahayaan ko bang mabilis na lumipas?
Baka maging malaking resulta,
Di ko inaasahan at aking ikadismaya.

HIRAP AKO SAYO MAG-APPLY

HIRAP AKO SAYO MAG-APPLY
by:dwamwtHOandONLY


Para kang trabaho,
Gusto ko kasi sayo magapply.
Sentro ang puso mo,
At utak ang nagpapatakbo.

Kahit di ako qualified,
Subukan ko parin magapply.
Experience naman din to,
Kahit hindi matanggap sa puso mo.

Kung papalarin magkaroon ng interview,
Ibibigay ng buong buo ang best ko sayo.
Ika'y liligawan sa paraan na kaya ko,
At hindi sa panliligaw na hinahangad mo.

At kung sayo'y tanggap na ako,
Kahit ugali ko minsan ganito.
Isisigaw ng malakas sa buong mundo ang wagas na pagibig ko,
Sa binibining nagngangalang Dyan Valencia na iniibig ko.



SALAMAT SA PANAGINIP

SALAMAT SA PANAGINIP
by:dwamwthoandonly


Isang araw kasama na kita,
Magkahawak ating mga kamay at masaya.
Walang hanggang pagibig aking nakikita,
Sa pagitan nating dalawa sinta.

Pagmamahal na inaasam ng kay tagal,
Habang takbo ng oras ay kay bagal.
Mga panahon na lumilipas,
Parang isang larawan na hindi kukupas.

Nakatakda na kasambuhay,
Pinagtagpo para sa habambuhay.
Ligaya na nakapinta,
Sa mukha natin sinta.

Ngunit ako'y nagising at nabigla,
sapagkat nananaginip lang pala,
Nagpasalamat ako sa diyos nagising pa ako,
upang tuparin ang panaginip ko.