Saturday, June 18, 2011

TATAY KO DABEST

TATAY KO DABEST
by:dwamwthoandonly

Ama ng karamihan,
Tatay ko sa tahanan.
Erpats na kakaiba,
Father na mapagkalinga.

Nagiisang haligi ng tahanan,
Kasama sa saya at kalungkutan.
Sa simpleng isang salita niya,
Nagbibigay aral sa tuwina.

Siya'y tulad ng isang bayani,
Ililigtas ka sa iyong pagkasawi.
Karama'y sa iba't-ibang kalokohan,
Pati sa babaeng iyong nililigawan.

Kaya mahal na mahal ko,
Nagiisang totoong tropa ko.
Happy father's day sayo papa,
Dabest kang tatay sa lahat ng ama.

No comments:

Post a Comment