Thursday, June 30, 2011

PANYO

PANYO
by:dwamwthoandonly


Sa utak bakanteng nagiisip,
Nakatanaw sayo ng pasilip.
Panandaliang sa tabi na paglisan
Paglayo sayo ay pahirapan.

Nakaupo at nagiisa sa paghinga,
Bigla may dumating na ibang aura.
Kasama iyong mga kaibigan,
Nagiisa sa mahabang upuan.

Biglang tibok na kay tagal na hindi nadama,
Sa pagitan ng pagalis mo at pagdating niya.
Sirang sira na buong araw ko,
Lalong nanliit sa kagandahan niyo.

TUmayo ka at lumisan na,
Kasabay rin pagalis niya.
May naiwan na panyo sa upuan ng aking kaisipan,
ngunit sino sa iyo ang may ari dapat salihang paligsahan.

No comments:

Post a Comment