Thursday, June 30, 2011

HATID NA PANANABIK

HATID NA PANANABIK
by:dwamwthoandonly


Masakit man isipin,
Di ka an para sakin.
Umiibig sayo ng palihim,
At nagdadasal ng mataimtim.

Kahit sa simplengtitigan,
Iyong mapansin at malaman.
Tunay na minamahal kita,
Maniwala ka sakin sana.

Tulad ng prinsesa ganda mong taglay,
At makinang na tala sa langit na walang kapantay.
At ako'y simpleng mortal,
Na sayo'y nagmamahal.

Gusto ko man magtapat,
Dinadaan na lang sa mga banat.
Dahil hanggang dun lang naman ako,
At natatakot sabihin sayo.

No comments:

Post a Comment