Monday, July 4, 2011

AYOKO NA SAYO

AYOKO NA SAYO
by:dwamwthoandonly

Lupet mong babae ka,
Sinaktan mo ng sagad ako sinta.
Nawiwindang na sa pag-ibig mo,
Nabaliw na ng tuluyan ako.

Tagos sa puso ko,
Sakit na pinadama mo.
Nagunaw ng mabilisan mundo ko,
Labis na nawasak at nasaktan sayo.

Sarap ibaling ng galit sa inuman,
Pero lalaki lang dun akin tiyan.
Kaya't sa bawat salita na nabuo,
Mga pangungusap na hindi na magtatagpo.

Kakalimutan na kita,
Ngunit pag-ibig naroon pa.
Pag-ibig na ibang-iba,
Kaibigan na pagpapahalaga.

Sunday, July 3, 2011

DEHADO

DEHADO
by:dwamwthoandonly


Bakit ba ako nagiisip ng ganito,
Sobra naman dami ng tao sa mundo.
Naiinis din ako sa sarili ko,
Bakit di kita kayang lapitan mahal ko.

Pero pag nanjan ka sa malapit naman,
Di ko magawang magsalita sayong harapan.
Sino yan kasama mo na pangit,
Ako na naman ay nababadtrip.

Nagpapansin na ako sayo,
Upang makuha lang atensyon mo.
Malalagkit kong tingin,
At sayo'y nananalangin.

Dehado lang talaga sayo,
Kahit nagpapansin na ako.
Kaya pansinin mo naman ako irog ko,
Para maglakas na ng loob na ipagtapat sayo

GinAYUMA

GinAYUMA
by:dwamwthoandonly

Dati di naman kita pansin,
Kahit maganda ka naman din.
Pero di talaga tayo bagay,
Hindi kasi lahat sayo maibibigay.

Pero para akong tinamaan ng binato
At paggising ko inlab na sayo.
Para na akong may sayad sa ulo,
Lagi ka ng hinahanap ng puso ko.

Nagkaroon ba ng malaking delobyo,
Naprapraning at nagdedeleryo ako.
Di rin sinasadya na mahalin,
Nahulog sayo ng napakalalim.

Pero panu magtatagpo ang langit at lupa,
Sadyang kailangan na maglupasay mga anghel at ng himala.
Papatingin na ako sa isang magaling na albularyo,
Baka na gayuma na ako ng pinana ng pagibig mo.

Thursday, June 30, 2011

PANGATATLO

PANGATATLO
by:dwamwthoandonly

Balik eskwela na ako,
Pangatatlong pagkakataon ko.
Pagbabago na kinakailangan,
Sa binigay sakin ng kapalaran.

Hindi na ako bata,
Para umasa pa sa kanila.
May isip na tumatakbo.
Para mabuhay dito sa mundo.

Tumayo sa sarili kong mga paa,
Lampasan limitasyon ko para makapasa.
Sa pinili ko na takbo,
Sikap at tiyaga kailangan ko.

Sa finish line nito,
Diyos karamay ko.
Pagkat sa kanya nagsimula,
Wakas sa kanya rin magmumula.   
PANGARAP DIN KITA (REVERSE VERSION)
by:dwamwthoandonly
"PANGARAP LANG KITA" by Parokya ni Edgar


I Stanza (HAPPEE SY)
Mabuti pa ibang tao
Pumapapel sa puso ko
Di tulad ikaw, Imposible

Torpe ka, alam ko yan
Simple lang naman kasi
Para may mangyari

CHORUS(HAPPEE SY)
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
MAgtapat ka lang sinta
Pangarap din kita

II Stanza (SIR CHITO MIRANDA JR.)
Ang hirap maging lalake
Kung prisesa yung babae
Kahit may oras ka
Di mo masabi

Hindi ako makaipon
Lakas ng loob, maghapon
Torpeng martir ako
Kaya di maaari

CHORUS (SIR CHITO MIRANDA JR.)
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita

CHORUS(DUET)
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
MAgtapat ka lang sinta
Pangarap din kita (2X)
Pangarap din kita, Pangarap Din.

IKAW ANG DETONATOR KO

IKAW ANG DETONATOR KO
by:dwamwthoandonly


Para akong i-dedetonita na bomba,
Sasabog sa tuwing sumasagi ka sa isip ko sinta.
Di ko na kayang itago pa,
Lihim na paghanga sayo sinta.

Pero yelong natutunaw ako,
Sa tuwing nawawala ka sa paningin ko.
Sinubukan na kalimutan ka,
Di magawa pagnakita ka na.

Di ko rin naman kaya,
Ipagtapat sayo mahal kita.
Baka ika'y lumayo,
Tuluyang maglaho.

Kaya okay na ako sa ganito,
Patanaw na palihim sayo.
Normal naman na ito,
Sa torpeng katulad ko.

AYOS LANG PAGIWAS

AYOS LANG PAGIWAS
by:dwamwthoandonly

Siguro iyong napapansin,
Pagiwas sayo ng pagtingin.
Sa paglalakad ika'y nakakasalubong,
Sa loob ng isang buong maghapon.

Lihim ko sayong pagtingin,
Akin ng nilibing.
Kaya umiiwas na ngayon sayo,
Kinakalimutan napaibig mo.

Dahil alam kong maraming nakaabang,
At lahat sila'y sobrang lamang.
Sino ba naman ako sayo?
Isang mortal na nangangarap mapasayo.

Pangarap din kita,
Tulad ng mga taong sayo'y nakapila.
Pero alam ko naman na ang resulta,
Kaya di ko na pinagpatuloy at tuluyan ng kinalimutan ka.